Ikaapat na Olympic medal ng Pilipinas, iuuwi ni Filipino boxer Carlo Paalam

Tiyak na ang bronze medal ni Filipino boxer Carlo Paalam sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito ay makaraan niyang talunin si world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinals ng men’s flyweight division na ginanap sa Kokugikan Arena.

Sunod niyang makakaharap si Ryomei Tanaka ng Japan.


Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapag-uwi ang Pilipinas ng apat na Olympics medal simula noong 1924.

Facebook Comments