Binuksan na ang ikalawang Anakbanwa Creative Residency Exhibit sa lungsod ng Dagupan na matatagpuan sa makasaysayang General MacArthur House sa West Central Elementary School sa lungsod ng Dagupan.
Nanguna dito si 4th District Congressman Toff De Venecia na Chairman ng Special Committee on Creative Industry and Performing Arts.
Dumalo din si Department of Tourism Regional Director Jeff Ortega, sikat na opisyal ng Art Community ng bansa, mga artista mula sa telebisyon, pelikula at iba na mula sa Fashion Industry.
Tampok sa Exhibition ang 70 obra ng tatlong Luzon-based creatives at higit kumulang 50 local talents mula sa ika-apat na distrito ng Pangasinan.
Sa ikalawang Anakbanwa Exhibit, ibinebenta ang mga artworks kung saan mapupunta sa mga artist at pagpapagawa sa harapan ng General MacArthur House ang kikitain dito.
Ayon kay Congressman De Venecia, ang pagbuo sa naturang Residency Program ay upang magkaroon ng kabuhayan ang mga artist sa pagiging malikhain.
Matatandaan na unang inilunsad ang Anakbanwa noong nakaraang taon kung saan nasa sampung artist lamang ang kalahok.
Pinaghahandaan naman na ng opisyal ang Galila Arts Festival na inaasahang isasagawa sa susunod na taon sa buwan ng Pebrero. | ifmnews

Facebook Comments