Ikalawang araw ng BAR Exam para sa taong ito, idadaos bukas

39

Isasagawa ang ikalawang araw ng BAR Exams ng halos walong libong examinees kung saan Civil Law at Taxation Law ang magiging pagsusulit.

Sa ikatlong araw ng BAR Exams sa November 17 ay Criminal Law at Mercantile Law ang kukuning pagsusulit habang sa huli at ikaapat na araw sa November 24 ay Remedial Law at Legal and Judicial Ethics at Practical Exercises.


Noong nakaraang Linggo, mula sa orihinal na 8,245 BAR Candidates ay kabuuang 7,699 lamang ang kumuha ng BAR Exams.

Ito ay makaraang hindi sumipot sa  pagsusulit ang 545 BAR Candidates.

Nabawasan pa ang nasabing bilang  pagdating sa Labor and Social Legislation na parte ng exams matapos na mag-drop out ang isang examinee.

Facebook Comments

From Advertisers