Public Viewing sa Labi ni dating LPGMA Rep. Albano Jr, Isasagawa sa kapitolyo

*Cauayan City, Isabela*- Magsasagawa ng Public Viewing ngayong araw sa mga labi ni dating LPGMA Representative Rodolfo Albano Jr. sa Provincial Capitol sa Lungsod ng Ilagan matapos na lumapag ang kanyang mga labi bandang 8:30 kaninang umaga lulan ng pribadong eroplano sa Cauayan Airport.

Sinalubong ito ng kanyang malalapit na kaibigan, kaalyado sa pulitika at kanyang mga kaanak at ginawaran din ito ng Military Honor ng kasundaluhan

Kaugnay nito, mananatili naman ang kanyang mga labi sa kapitolyo ng probinsya na dalawang araw bago iburol sa kaniyang tahanan sa Bayan ng Cabagan, Isabela.


Matatandaang binawian ng buhay si Albano dahil sa heart failure.

Nanungkulan si Albano bilang Kongresista sa loob ng 34 taon, naging pinuno ng Energy Regulatory Commission at naging bise Gobernador ng Isabela.

Facebook Comments