Generally peaceful ang ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Ayon kay PNP-PIO Chief PCol. Jean Fajardo, walang na-monitor na untoward incident ang pulisya simula kaninang alas-8 ng umaga ng magsimula ang COC filing.
Ani Fajardo bantay sarado ng pulisya ang mga COMELEC offices kung saan naghahain ng kandidatura ang mga tatakbong pulitiko lalo pa’t kanya kanyang gimik at pakulo ang mga ito.
Nakikipag-ugnayan din sila sa MMDA maging sa Local Government Units (LGUs) para sa daloy ng trapiko.
Tatagal ang COC filing hanggang Oct. 8, 2024 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Facebook Comments