Ikalawang araw ng RMN Biyahenihan, dinagsa ng mga pasahero; mahigit 160 na mga commuter, naserbisyuhan

Inabangan ng mga pasahero ang pagdating ng RMN Biyahenihan kung saan umakyat na sa mahigit 160 ang mga pasahero sa una at huling araw ang nabigyan ng serbisyo sa pamamagitan ng libreng sakay sa pag-arangkada ng RMN Biyahenihan.

Ikinatuwa naman ng 100 mga mananakay simula pa kahapon nang mabigyan sila ng sobre na may lamang ₱100 papremyo na hatid ng Alagang Seaoil.

Ngayong ang huling promo ng dalawang araw na RMN Biyahenihan katuwang ang Alagang Seaoil, 93.9 iFM at DZXL Radyo Trabaho na umiikot mula West Point, kanto Aurora Blvd., patungong Welcome Rotonda sa Quezon City at nagdikit ng sticker ng Alagang Seaoil.


Inabangan ng mga pasahero ang pag-arangkada ng RMN Biyahenihan na nagsimula kaninang alas-6:00 ng umaga mula West Point Cubao Terminal hanggang alas-5:00 ng hapon sa Rotonda dahil ang mga pasaherong makasakay nang libre sa jeep at makatatanggap pa ng papremyo mula sa Seaoil.

Facebook Comments