Bagong wards ng Navotas City Hospital, binuksan na

33

Binuksan na ngayong araw ang tatlong bagong wards ng Navotas City Hospital (NCH).

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagpapasinaya sa mga nasabing wards sa nabanggit na hospital.

Sa pagbubukas ng wards na ito, madadagdagan ng 15 ang bed capacity ng Navotas City Hospital (NCH) kaya’t malaki ang pasasalamat ng mga residente dito.


Nabatid kasi na dahil sa mga nabuksang mga wards, mas maraming pasyente pa ang mabibigyan ng atensyong medikal.

Matututukan rin ang kalagayan ng iba pang may sakit bukod pa sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Kasabay ng pagbubukas ng mga wards, nagsagawa rin ng Kalusugan Check ang lokal na pamahaalan tulad ng random blood sugar test, eye check-up, pelvic ultrasound, HPV-DNA screening, PhilHealth Konsulta registration, at iba pa.



Facebook Comments