IKALAWANG BAHAGI NG PUBLIC CONSULTATION KAUGNAY SA PAGPAPATAAS NG KALSADAHAN AT PAGPAPALAKI NG DRAINAGE SA DAGUPAN CITY, GINANAP SA SANGGUNIAN PANLUNGSOD

Naganap kahapon, August 15 ang ikalawang bahagi ng Public Consultation kaugnay sa kasalukuyang konstruksyon ng pagpapataas ng mga kalsadahan at pagpapalaki ng drainages na ngayon ay nagpapatuloy sa bahagi ng Arellano St. at AB Fernandez East sa Dagupan City.
Pinangunahan ang nasabing konsultasyon ng Majority block ng Sangguniang Panlungsod at dinaluhan ng mga representatives mula sa ilang mga Telco companies, establishment owners at maging mga school representatives.
Nauna nang nakapanayam ang panig ng ilang kawani mula sa water source ng lungsod at aminadong nakakatanggap umano ng ilang mga reklamo mula sa mga consumers ukol sa pansamantalang nararanasang mga water interruption na bunsod umano ng konstruksyon, natatamaan ang ilang mga water lines.
Ang kumpanya naman ng isang electricity source sa lungsod, nakikitang problema rin ang katayuan ng mga poste dahilan na kung matatapos ang mga road elevation ay kinakailangan din nilang itaas ito, gayundin ang mga cable wires na dapat daw ay nauna munang nagpataas ang mga ito kaysa ang pagpapataas ng mga kalsadahan.
Wala raw umano magawa ang mga ito kundi ang sumabay sa mga konstruksyon, bagamat ang ibang kumpanya ay may nakaamba naman umanong mga plano sa paglutas sa kinakaharap na problema ngunit nangangailangan din ito ng mas masusing pag-aaral para maayos ang pagsasakatuparan nito.
Apektado rin ang ilang mga estudyante na dumadaan sa mainroad kung saan may konstruksyon papunta sa kanilang paaralan, kung saan nasa bungad mismo ng kanilang entrance ang nasabing konstruksyon.
Samantala, isa ring layunin ng public consultation ang pagkakaroon ng legislative measures o mga hakbang na maaaring makatulong at mag-amyenda ng nasimulan ng proyekto na ipapanukala ng mga miyembro ng Sanggunian Panlungsod ng Dagupan City.
Facebook Comments