LALAKI SA BASISTA, KRITIKAL SA PANANAGA NG KAINUMAN

Kritikal ang isang bente nwebe anyos na lalaki matapos itong pagtatagain ng kanyang kainuman sa bayan ng Basista.
Ang biktima ay nakilalang si Anthony Markado habang ang suspek ay nakilalang si Raffy Abellero, parehong mga nagpapastol ng itik.
Ayon sa imbestigasyon, nag iinuman ang dalawa sa kanilang lugar ng biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Bigla umano naglabas ng itak ang suspek at agad na pinagtataga ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan at agad namang isinugod sa pagamutan.
Samantala naaresto naman ng mga pulis ang suspek kung saan ay napag alaman na dahil sa sobrang kalasingan ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa. |ifmnews
Facebook Comments