Ikalawang bahagi ng vaccination drive sa bansa, itinakda na ng DOH sa Pebrero

Nagtakda na ng araw ang Department of Health (DOH) para sa ikalawang bahagi ng vaccination drive sa bansa bilang pag-iingat sa pagkahawa ng mga mamamayan sa anumang uri ng sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, target ng ahensiya na maibalik sa Pebrero ang ikalawang bahagi ng measles and polio vaccination program, kung saan gagawin ito sa Region 3, Calabarzon, National Capital Region (NCR), Regions 6, 7 at 8.

Target naman ng DOH na mabakunahan ang aabot sa 4.7 milyong kabataan kontra polio at 5.1 milyong kabataan naman kontra measles


Matatandaang nitong February 2019 nang ideklara ng DOH ang measles outbreak sa Metro Manila, kung saan nakapagtala ng 550 percent pagtaas sa mga pasyenteng nahawaan ng sakit simula ika-6 ng Enero hanggang ika-6 ng Pebrero ng nasabing taon.

Facebook Comments