Mas nakakahawang variant ng COVID-19, noong Disyembre 2020 pa nakapasok sa bansa ayon sa DOH

36

Inamin ng Department of Health (DOH) na noong Disyembre 2020 pa naitala sa Pilipinas ang mas nakakahawang variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, medical specialist IV ng Epidemiology Bureau ng DOH, ito ang panahon na hindi pa natutukoy na may bagong variant ng COVID-19 sa bansa.


Sa kabuuan aniya ng labing-anim na kaso ng B.1.1.7 variant ng COVID-19 sa bansa, isang specimen sa mga ito ay nakolekta nila noong pang ika-10 ng Disyembre nakaraang taon mula sa 23-anyos na lalaki mula sa Laguna.

Facebook Comments