Ikalawang batch ng bakuna ng Johnson and Johnson, dumating sa bansa ngayong hapon

Pasado alas-4:00 ngayong hapon dumating sa NAIA ang karagdagang 1.6 million doses na bakuna ng Johnson & Johnson kontra COVID-19.

Ito na ang ikalawang batch ng bakuna ng Johnson and Johnson na donasyon ng Amerika sa Pilipinas.

Ang unang batch ay dumating sa bansa kahapon mula sa Covax facility.


Sa ngayon, 3.2 million doses na ng bakunang donasyon ng Amerika sa Pilipinas

Ang bakuna ng Janssen kontra COVID-19 ay single-shot lamang o one dose.

Facebook Comments