Manila, Philippines – Aabot sa 130 sundalo mula 7th Infantry Division ng AFP ang ipinadala sa Nueva Ecija para mapigilan ang pagkalat ng bird flu.
Agad na sumailalim ang mga sundalo sa training sa pangangasiwa ng Department of Agriculture para tumulong na ma-contain ang outbreak.
Itinalaga ang mga sundalo makaraang hilingin ng Bureau of Animal Industry (BAI) dahil sa kumpirmadong insidente ng bird flu outbreak sa bayan ng San Isidro.
Bukod sa pagpatay ng mga manok, nagsasagawa rin ang Provincial Health Office (PHO) ng Nueva Ecija ng flu vaccinations at individual health screening para malaman ang kundisyon ng mga residente ang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.
Facebook Comments