Umarangkada na ngayong araw sa probinsiya ng Pangasinan ang ikalawang bugso ng 3-day national vaccination drive o Bayanihan Bakunahan.
Maagang pumila ang mga Pangasinense na nagnanais maturukan ng COVID-19 Vaccine sa ibat-ibang vaccination site sa probinsiya.
Sa apat na lalawigan na sakop ng Ilocos Region, Pangasinan ang tutukan ngayon ng Department of Health- Center for Health Development 1 dahil ito ang may pinakamaraming target na mabakunahan at ito ang may pinakamaraming populasyon.
Itinalaga ng ahensya ang kanilang resources at kawani bilang tulong sa pagpapataas ng vaccination coverage ng probinsiya.
Bukas hanggang sa ika-17 ng Disyembre sa Narciso Ramos Sports and civic Center, tutukan dito ang pagbabakuna ng edad 12 pataas.
Paalala sa mga nagnanais magpabakuna na kailangang Magdala ng Government Issued ID, Birth Certificate, Student ID, Passport, National ID, etc. Sa mga batang may comorbidity. Magdala ng Medical Certificate o Medical Clearance at para sa edad 12-17 y/o, dapat ay may kasamang magulang o guardian.
Una rito ay iniurong ang pagbabakuna sa ibang rehiyon sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Odette. | ifmnews