MOCK ELECTION, ISASAGAWA NG COMELEC SA DALAWANG SIYUDAD SA PANGASINAN

35

LINGAYEN, PANGASINAN – Magsasagawa ng mockelection ang Commission on Elections Pangasinan bago matapos ang 2021 sa dalawang siyudad sa probinsiya.

Sinabi ni Attorney Marino Salas, provincial election supervisor ng COMELEC Pangasinan sa Kapihan sa PRO1, nakatakdang isagawa ang mock election sa December 29, 2021.

Gaganapin ito sa Barangay Pugaro dito sa Dagupan City at isang barangay naman sa lungsod ng Alaminos.


Samantala, nagsasagawa na ng training of trainors ang COMELEC sa buong Ilocos Region na siyang sasanaya sa Electoral boards bilang preparasyon sa Halalan 2022. | ifmnews

Facebook Comments