Naging mabigat ang agenda ngayong araw para sa ika-2 cabinet meeting sa Makanyang.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na alas-9:00 kaninang umaga nagsimula ang pulong.
Kabilang aniya sa mga napag-usapan ay tungkol sa budget para sa 2023 na nakatutok sa pagbangon at paglago ng ekonomiya, pagpapatuloy ng build, build, build at infrastructure programs, priority programs para sa industriya ng transportasyon at sektor ng turismo.
Si Pangulong Marcos ay nakilahok sa pulong sa pamamagitan ng teleconference, kung saan siya makikita sa isang malaking tv monitor sa harap ng isang mahabang mesa kung saan nakaupo ang kaniyang gabinete.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sa Malakanyang, bukod kay Guevarra ay sina Exec.Sec. Victor Rodriguez, Presidential Management Staff Chief Zenaida Angping, Special Assistance to the President Antonio Lagdameo, National Security Adviser Secretary Clarita Carlos, Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, Tourism Secretary Kristina Frasco, at iba pang cabinet members.