Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan ngayong araw ang Cagayan Valley Medical Center Molecular Testing Laboratory na layong mas marami ang masuring specimen samples sa kabila ng dumaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief, magagamit na ang tatlong Reverse Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) machine.
Giit ni Baggao, inaasahang 24 oras ang magiging operasyon ng nasabing laboratoryo na pangangasiwaan ng well-trained medical technologists.
Dagdag pa niya, maliban sa mga empleyado na pinadala sa Baguio City para magsanay, may karagdagan din na 25 medical technologists ang nanggaling mula sa Department of Health.
Walong laboratory technicians at 10 administrative assistant na siyang mangangasiwa ng pasilidad.
Naniniwala naman si Dr. Baggao na ang ikalawang COVID-19 testing laboratory sa Cagayan Valley ay matitiyak na makakapaglabas ng mas mabilis na resulta ng mga COVID-19 suspects.