Ikalawang illegal medical facility sa Pampanga, nadiskubre; Dalawang Chinese national, arestado

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Food and Drug Administration (FDA) ang isang paupahang bahay sa Korean Town, Barangay Anunas, Angeles City ngayong Huwebes ng hapon.

Sa naturang raid ay nadiskubre ang ikalawang makeshift medical facility kung saan nadakip ang dalawang Chinese national.

Nakumpiska sa operasyon ang mga gamot na may Chinese markings.


Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang mga pangalan ng dalawang naarestong Intsik.

Matatandaan na noong Mayo 19 nang unang salakayin ng FDA, Criminal Investigation Detection Group (CIDG) at Clark Development Corp. ang isang villa sa Fontana Leisure Park kung saan nadakip din ang dalawang Chinese national na sina Ling Hu, owner ng villa na nag-ooperate ng ilegal na medical facility at ang pharmacist na si Seung Hyun Lee.

Ang mga nadiskubreng medical facilities pati na ang kaparehong nadiskubre sa Makati City ay hinihinalang pinagdadalhan ng mga Chinese COVID-19 patients.

Facebook Comments