Ikalawang opisyal ng roro na dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Sibago Island, hawak na ng militar

65

Manila, Philippines – Hawak na ng militar ang ikalawang opisyal ng roro na dinukot ng bandidong Abu Sayyaf Group sa Sibago Island noong Huwebes.

 

Ayon kay Western Minadanao Command Commander Major General Carlito Galvez Jr. – dakong alas 10:30 kagabi nang masagip ng 4th special forces batallion si Chief Engineer Laurencio Tiro sa bahagi ng barangay Basakan sa Basilan.

 

Aniya, resulta ito ng maigting na operasyon ng Joint Task Force Basilan sa ilalim ni Col. Juvymax Uy.

 

Una nang naisalba ng militar ang kapitan ng barko na si Aurelio Agac-Ac na nakabalik na sa kanyang tahanan sa Cebu City.




Facebook Comments