Ikalawang pagdinig ng Kamara kaugnay sa Cha-cha o Charter change, kasado na ngayong araw

Muling magsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Constitutional Ammendments kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 Consitution o “charter change” ngayong araw.

Ayon kay committee chairperson at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, kabilang sa imbitado sa pagdinig ay mga kinatawan sa civil society groups, sa academe, business groups at ilang ahensya ng gobyerno.

Una nang dumalo sa pagdinig noong January 26 ang mga retiradong hukom ng Korte Suprema at mga bumuo ng 1987 Constitution kung saan nagbigay sila ng opinyon kaugnay sa cha-cha.


Tinatayang nasa 11 panukalang batas kaugnay sa charter change ang inihain sa Mababang Kapulungan sa ngayon.

Matapos ang mga public hearings sa Kamara, magsasagawa naman consultation sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang malaman ang pulso ng masa kaugnay rito.

Facebook Comments