Ikalawang pagdinig sa insidente sa Resorts World Manila, ipagpapatuloy ngayong umaga

Manila, Philippines – Muling isasagawa ngayong araw ang ikalawang pagdinig sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila.

Nasa 33 resource persons ang imbitado sa pagpapatuloy ngayon ng imbestigasyon kung saan kabilang dito ang mga guwardiya at CCTV monitoring staff ng casino.

Alas-9 ngayong umaga ang resumption ng hearing na gagawin na sa belmonte hall ng batasan complex.


Inaasahang sesentro pa rin ang imbestigasyon sa isyu ng security lapses na naging dahilan para mapasok at makapagsunog pa sa resorts world ang nag-iisang gunman na si jessie carlos.

Isa sa inaasahang haharap ang lady guard na nagbabantay sa entrance ng casino nang pumasok si carlos.

Gayundin ang mga nagbabantay naman sa CCTV monitoring room na sinasabing mabilis na iniwan ang kanilang puwesto nang mangyari ang pag-atake kaya nahirapan ang mga pulis na matunton ang kinaroroonan ng gunman.

Hinihingi rin ng mga kongresista ang kuha ng CCTVs ng casino mula May 31 hanggang June 3 para makita kung nagtungo doon si Carlos ilang araw bago ang ginawa nitong pag-atake.
DZXL558

Facebook Comments