OSLO, NORWAY – Pormal nang sinimulan kagabi ang ikalawang round ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo sa Oslo, Norway na magtatagal hanggang sa October 10.Pero ilang oras bago ang peace talks, pinalitan ni Fidel Agcaoli si Luis Jalandoni bilang Chairman ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).Sa kabila nito… Tiniyak ni Government Peace Panel Member Hernani Braganza, na walang magbabago sa takbo ng negosasyon.Sinabi ni Jalandoni, hiniling niyang bumaba dahil na rin sa kanyang edad na (81) pero, patuloy siyang magiging Senior Adviser ng NDFP.Ayon kay NDFP Peace Panel Legal Consultant Atty. Edre Olalia, na walang halos magbabago sa posisyon ng NDFP.Sinabi ni CPP Founding Chairman at NDFP Chief Political Consultant Joma Sison, na kabilang sa pag-uusapan sa ikalawang round ang mas malawakang bilateral ceasefire at amnesty sa mga political prisoner.Tatalakayin rin ang isyu ng social and economic reforms at industrialization… kung saan, dito nakapaloob ang mga pagbabagong hinihiling ng kanilang panig partikular sa usapin ng land reform, ang mga bagay na dapat maisakatuparan para umunlad at maiangat ang antas ng pamumuhay sa kanayunan.Ayon sa magkabilang panig, posibleng umabot ng hanggang anim na buwan ang pag-uusap patungkol lamang sa isyung ito dahil masalimuot ang mga usapin.
Ikalawang Round Ng Peace Talks Sa Pagitan Ng Gobyerno At Ng Cpp-Ndf, Sinimulan Na
Facebook Comments