Mahigit Dalawang Daan, Patay Sa Hurricane Matthew Sa Haiti, Cuba At Bahamas

19

HAITI – Umakyat na sa 264 ang patay sa pananalasa ng Hurricane Matthew sa Haiti, Bahamas at Cuba.Ayon kay Civil Protection Service Spokesman Joseph Edgard Celestin, ang bayan ng jeremie sa haiti ang matinding tinamaan ng bagyo kung saan 80 porsyento ng mga bahay dito ay nasira at inanod ng baha.Sa ngayon, itinaas na sa category 4 ang bagyo habang tinatahak ang Florida taglay ang lakas na 145 miles per hour at pagbugso na 165 mph.Dahil dito, nanawagan si Florida Governor Rick Scott, sa kanyang mga kababayan na lumikas na lalo na ang mga naninirahan malapit sa coastal areas ng Florida, Georgia, North at South Carolina dahil sa pagtama ng bagyo.Maging si US President Barack Obama ay hinikayat din ang mga residenteng naninirahan sa mga nabanggit na lugar na agarang lumikas.Inaasahang magla-landfall ang Hurricane Matthew ngayong araw sa East Coast ng Florida.

Facebook Comments