Ikalawang SONA ni Pangulong Duterte, asahan nang magiging mahaba

4475

Manila, Philippines – Asahan ang mas mahabang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 24.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar – ilalahad sa SONA ang mga napagtagumpayan o accomplishment ng pangulo.

Ibibida din ng punong ehekutibo ang mga benepisyong tinatanggap ng mga mahihirap na pilipino.

Dagdag pa ni Andanar – si Direk Brillante Mendoza muli ang mangangasiwa ng produksyon ng SONA.

Aniya, mag-aadjust ang direktor ng kaniyang mga kuha ng camera matapos umani ng batikos sa unang SONA.

Una nang sinabi ni Mendoza na ang intensyon ay maiba ang SONA ng pangulo mula sa nakagawian.

Facebook Comments