Ikalimang Death Penalty Bill, ihahain sa Senado

Nakatakdang ihain ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian ang ikalimang Death Penalty Bill sa Senado.

Ayon sa Senador, limitado sa mga high-volume drug trafficking ang kanyang panukala.

Base kasi aniya sa kanyang obserbasyon, wala pang nakukulong na drug lord sa nakaraang tatlong taon ng administrasyon.


Kung meron man aniyang nahatulan, kontrolado pa rin nila ang operasyon ng iligal na droga sa labas.

Naniniwala rin si Gatchalian na hindi na magtatangkang magpasok ng iligal na droga sa bansa ang mga drug smuggler dahil sa banta ng Death Penalty.

Bagama’t naniniwala ang Senador na parusang bitay lang ang makakasugpo ng iligal na droga sa bansa, hindi naman aniya ito angkop na ipataw sa ibang uri ng krimen.

Facebook Comments