Ikalimang hearing sa drug case ng anak ni DOJ Sec. Remulla, ipinagpatuloy ngayong araw

Muling ipinagpatuloy ngayong araw ng Las Piñas City Court ang ikalimang pagdinig sa drug case ni Juanito Remulla III, anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Dumalo sa pagdinig ang mga abogado ng nakababatang Remulla na sina Atty. Christopher Belmonte at Pernillo Campanilla.

Dumating din ang tatlong intelligence officers ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang Customs chief operation officer.


Hindi naman nagbigay ng update ang abogado ni Remulla dahil pa rin sa isyu ng subjudice.

Ang tanging sinabi ni Atty. Belmonte ay hinihintay pa nila ang resolution mula sa Pasay City Prosecutor’s Office kaugnay sa hiwalay na kasong importation of dangerous drugs at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Una nang naghain ng ‘not guilty plea’ si Remulla sa drug possession charges.



Facebook Comments