Ikalimang sunod na panalo – target ng Ginebra sa PBA Governor’s Cup

PBA – Target ng Barangay Ginebra na masungkit ang ika-limang sunod na panalo sa ginganap na PBA Governor’s Cup.

Makakalaban nila ang Phoenix Fuel Masters mamayang alas siyete ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone – nag-iimprove ang Phoenix kada-taon na naghaharap sila dahil sa mga key trade na ginagawa ng koponan.


Pero desidido siyang ipagpatuloy ang momentum ng kanyang koponan.

Kapag naipanalo ng Ginebra ang laban mamayang gabi, makakasama nila ang Meralco Bolts sa no. 1 seed.

Samantala, magtutuos din ang Blackwater Elite at ang Talk N Text Ka Tropa mamayang 4:15 ng hapon na gaganapin din sa MOA arena.

Facebook Comments