Kumander ng MILF Arestado , High Powered Firearms at mga Granada nakumpiska

Kalaboso sa selda ng CIDG ARMM ang isang Hadji Amid Maraging, di umanoy Battallion Commander ng Moro Islamic Liberation Front sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa CIDG-ARMM at Cotabato City Public Safety Forces sa Brgy. Balabaran, Cotabato City mag aalas sais kaninang umaga.

Inaresto si Maraging alyas Kumander Borongos base sa Search Warrant ayon pa kay CIDG ARMM Director James Allan Logan.

Nakuha sa pag iingat ni Maraging ang mga matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng M14, M16, Garand rifle, dalawang granada, at mga bala.


Wala pang statement ang MILF kaugnay sa nasabing insidente. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments