Ikalimang yugto ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF, muling gugulong ngayong linggo

Manila, Philippines – Muling gugulong ngayong linggo ang ikalimang yugto ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.

Gaganapin ito sa the Netherlands mula sa Sabado, may 27 hanggang sa June 1.

Inaasahang mapag-uusapan sa nasabing paghaharap ang tungkol sa Comprehensive Agreement on Social Economic Reforms (CASER) kung saan nakapaloob ang isyu ng reporma sa agraryo.


Samantala – una nang itinanggi ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison ang pahayag ni Pangulong Duterte na mayroon siyang rare bone marrow disease.

Ayon kay Sison – hindi niya alam kung kanino nakuha ng pangulo ang impormasyong mayroon siyang nakamamatay na sakit.

Kasabay nito – iginiit ni Sison na maayos ang kanyang kalusugan mula ng makalabas ng ospital nuong ika-20 ng Marso.

DZXL558

Facebook Comments