340 pamilya, nasunugan sa magkahiwalay na lugar sa Cebu

Cebu, Philippines – Halos umabot sa 340 na mga pamilya ang nawalan ng kanilang mga babay sa dalawang malalaking sunog na nangyari sa Cebu City at Lapulapu kahapon ng madaling araw.

Umabot sa 278 mga pamilya ang nawalan ng bahay sa Sitio Matumbok sa Barangay Pusok sa Lapulapu City, habang sa barangay Labangon sa Cebu City umabot sa 59 mga pamilya ang nawalan ng mga bahay.

Maliban sa nasunugan, may anim din k tao ang nasugatan sa dalawang malalaking sunog na nangyari sa Cebu.
DZXL558


Facebook Comments