Ikatlong Anibersayo ng Hacienda de San Luis ng Lungsod ng Cauayan, Matagumpay na Ipinagdiwang!

144

*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay na isinagawa kahapon ang pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng hacienda de San Luis ng Lungsod ng Cauayan na dinaluhan ng mga opisyal sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy.

Nagsagawa ng iba’t-ibang aktibidad at patimpalak bilang parte sa nasabing selebrasyon gaya ng laro ng lahi, search for Queen of Hacienda de San Luis , Carabao race at marami pang iba.


Layunin umano nito na paangatin ang kaalaman ng mga Cauayeño sa mga ipinagmamalaking tourist spots ng Ideal City of the North gaya ng nasabing hacienda.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Tourism Officer Maribel Eugenio na mayroon pa silang idinagdag na mga aktibidades sa kanilang hacienda na patok at maaring subukan ng mga turista.

Samantala, inaasahan namang bubuksan ang Science Centrum ng Lungsod ng Cauayan kung dumating na ang mga kasangkapang ilalagay sa loob nito na ipapakita para sa lahat ng mga turista.


Facebook Comments