Ikatlong cabinet meeeting, isasagawa ngayong araw

Gagawin ngayong araw ang ikatlong cabinet meeting na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Malacañang.

Katulad ng dati, inaasahang maagang magsisimula ang pulong ng mga gabinete na sa mga nakaraan ay nagsisimula ng bago mag-alas-9:00 ng umaga.

Ito na ang ikatlong cabinet meeting ng Marcos administration at inaasahang dalawang kalihim ang mag-uulat kaugnay sa sitwasyon ng kanilang kagawaran kay Pangulong Marcos.


Unang cabinet meeting noong July 6 ay sumentro sa usapin sa ekonomiya at agrikultura habang natalakay naman sa ikalawang cabinet meeting noong nakaraang linggo ang tungkol sa ‘build, build, build’ habang nag-ulat naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Budget and Management (DBM) ng kanilang plano sa pangulo.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang 2nd cabinet meeting via teleconferencing dahil siya ay naka- isolate matapos magpositibo sa COVID-19.

Samantala, pangungunahan rin mamayang hapon ni Pangulong Marcos ang panunumpa ng itinalaga nitong kalihim sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa katauhan ni Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.

Facebook Comments