Ikatlong chartered flight na may sakay na Pinoy repatriates mula Qatar, dumating na rin sa bansa

79

Dumating na rin sa bansa ang ikatlong chartered flight ng Philippine Airlines sakay ang 323 Overseas Filipino Workers (OFW) mula Qatar.

Sila ay kabilang sa OFWs na naapektuhan ng pandemic.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 19 pang flights ang darating sa bansa ngayong July sakay ang Pinoy repatriates.

Apat sa naturang chartered flights ang lalapag sa Clark International Airport kada Biyernes.

Katuwang ng DFA sa repatriation efforts sa OFWs ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Health at Department of the Interior and Local Government.

Facebook Comments