Ikatlong libel complaint, inihain ni UST Civil Law Dean Nilo Divina kay Atty. Lorna Kapunan

35

Manila, Philippines – Naghain ng ikatlong libel complaint si UST Civil Law Dean Nilo Divina laban sa abogado ng pamilya Castillo na si Atty. Lorna Kapunan.

Ito ay matapos sabihin ni kapunan na liable o may pananagutan siya sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III na nailathala pa sa varsitarian, ang official student publication ng UST.

Animnapung milyong pisong dagdag na danyos ang hinihingi ni Divina dahil sa naging pahayag ni kapunan.

Una na ring naghain si Divina ng P120 million libel case laban kay kapunan dahil sa pahayag niyang plano nitong sampahan ng reklamo ang UST Dean.

Habang ang ikalawang kaso ay kaugnay sa isinampang disbarment case nina Kapunan at Patricia Bautista laban kay Divina.

Giit ni Divina, dahil sa malisyosong mga pahayag ni Kapunan ay nabahiran ang reputasyon niya bilang abogado.

Facebook Comments