Manila, Philippines – Ilulunsad na mamayang hapon ang ikatlong Metro Manila shake drill.
Ayon kay Metro Manila shake drill Secretariat, Ret. Brig/Gen. Manuel Gonzales, layon nito na i-handa ang mga residente ng kamaynilaan sa posibleng paggalaw ng west valley fault na magdudulot ng magnitude 7.2 na lindol o mas kilala bilang ‘The Big One’.
Dito malalaman ang kahandaan ng mga residente, pribadong establisyimento at maging ang mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno.
Wala namang isasarang kalsada pero posible ang rerouting na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan.
Eksaktong alas-4:00 ng hapon ay mariring sa mga radyo, telebisyon at isa iba’t-ibang public announcement system ang boses ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na nagsasabing simula na ang drill.
Umaasa ang MMDA sa partisipasyon at kooperasyon ng publiko sa gagawing drill.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558