MANILA – Ibinigay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ikatlong narco-list na kinabibilangan ng mahigit 1,000 elected officials, pulis at iba pa.Ayon sa pangulo, bukod sa mga pulitiko at pulis, kabilang din sa pinakabagong listahan ang mga barangay chairman na protektor din ng ilegal na droga.Inupakan din ni pangulong duterte ang dating police general at ngayo’y Daan Bantayan Cebu Mayor na si Vicente Loot na protektor ng droga.Tinukoy din ng pangulo sina Naguilian, La Union Mayor Reynaldo Flores, bilang high value target.Nauna nang itinanggi nina Loot at Flores ang paratang ng pangulo na dawit sila sa ilegal na droga.
Facebook Comments