Ikatlong repatriation flight sa mga Pinoy sa Lebanon, inihahanda na rin ng DFA

Ikinakasa na rin ng Department of Foreign Affairs ang ikatlong repatriation flight sa iba pang distressed Ovreseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon.

Ang naturang chartered flight ay darating sa Beirut sa September 24, 2020 kung saan lulan din nito ang relief goods mula sa Philippine government.

Ang naturang relief goods ay ipamamahagi sa mga Pinoy sa Lebanon na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.


Ito ay bahagi ng repatriation flights na ikinakasa ng DFA para sa mga susunod na araw.

Ang pangalawang repatriation flight mula sa Lebanon ay kinabibilangan ng 361 OFWs na dumating sa bansa.

Facebook Comments