MANILA – Naging maganda ang pagsisimula ng ikatlong round ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na isinasagawa ngayon sa Rome.Binubuo ng 77 miyembro ang delegasyon ng pamahalaan, kabilang na ang 10 mambabatas, habang 58 na miyembro naman ang bumubuo sa NDFP.Dumalo rin sa opening ceremony si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr., na itinuring NDF Chief Political Consultant Jose Maria Sison na isang pahiwatig na seryoso talaga ang pangulo sa pagsusulong ng peace process.Aminado naman si government peace panel chair at labor Sec. Silvestre Bello III na isa talagang pagsubok na ipagpatuloy ang negosasyon. Pero sa kabila ng mga negatibong pananaw tungkol sa peace process, nagdesisyon sila na ipagpatuloy ito, lalo’t patuloy ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.Kumpyansa ito na kakayanin ng magkabilang panig na talakayin ang mga isyung bumabagabag sa kanilang proseso, tulad na lamang ng pagpapalaya sa mga preso.Iginiit naman ni Agcaoili na ang pagpapalaya sa 392 na mga political prisoners ay hindi lang dapat ituring na isang “confidence-building measure” lalo na sa pagbuo ng bilateral ceasefire agreement.Aniya, obligasyon ito ng pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Agreement On Respect For Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).
Ikatlong Round Ng Peace Talks Sa Pagitan Ng Pamahalaan At Ng National Democratic Front Of The Philippines (Ndfp) – Nagsi
Facebook Comments