MANILA – Iprenisinta ng Phil. National Police ang ikatlong suspek sa tangkang pagpapasabog sa isang ied malapit sa US embassy sa Maynila noong Nov. 28.Kinilala ni NCRPO Dir. C/Supt. Oscar Albayalde ang suspek na si Mohammad Jumao-As alyas Modie, na miyembro ng Ansar Al-Khalifa Group Phils. na may operasyon sa mga karatig probinsya sa norte, kabilang na ang bulacan.Ayon kay Albayalde, nagtago si Jumao-as sa Bulacan, Bulacan ng maaresto ang kanyang mga kasamahan.Nang inakala niyang wala ng follow-up operation ay kukunin dapat nito ang kanyang mga gamit sa isang ospital para tumakas kung saan doon siya nahuli.Kinumpirma naman ni Manila Police District Chief Senior Supt. Joel Coronel na Dec. 3 ng mahuli si Jumao-as sa tulong ng Facebook.May isa hanggang dalawa pa mga kasama si Jumao-as na ngayong ay target ng PNP.Tuloy – tuloy din ang counter-terrorism ng PNP at ngayon ay naka-full alert parin ang bansa.
Ikatlong Suspek Sa Tangkang Pambobomba Malapit Sa Us Embassy, Iprenisenta Na Sa Media Ng Pnp – Iba Pang Kasamahan Nito T
Facebook Comments