Kustodiya Ng Drug Lord Na Si Kerwin Espinosa – Pinalilipat Na Sa National Bureau Of Investigation..

6

MANILA – Ililipat na ang kustodiya kay confessed drug lord Kerwin Espinosa mula sa Anti-Illegal Drugs Group(AIDG) ng Philippine National Police, papuntang National Bureau of Investigation.Ito ay matapos na maglabas ng kautusan si Judge Carlos Arguelles ng Baybay, Leyte regional trial court brach 14 para ilipat ng AIDG sa NBI si Espinosa sa loob ng 10 araw.Pagkatapos nito, kailangan rin nilang ipaalam sa naturang korte na nasunod na nila ang kautusan.Dagdag dito, ibinilin rin ng korte sa direktor ng NBI ang buhay na katawan ni Espinosa na ididitine nila bilang isang preso alinsunod sa kanilang kautusan.Matatandaang mula nang makabalik dito sa bansa si Espinosa mula sa Abu Dhabi, ang PNP na ang sumundo at humawak sa kostodiya nito.

Facebook Comments