Tiniyak ng ikatlong telco player na DITO Telecommunity Corporation na nananatili silang ‘on-track’ sa kanilang commercial launch sa Marso ng susunod na taon.
Ito ang kanilang pahayag matapos pagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang major telco players na Smart Communications at Globe Telecom na ipapasara kapag hindi inayos ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre.
Ayon kay DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano, batid nila ang hinaing ni Pangulong Duterte na maibigay ang ‘world class connectivity’ sa bawat Pilipino lalo na sa panahon ng pandemya.
Tumanggi namang magkomento si Tamano sa naging tirada ng Pangulo sa dalawang telco.
Kasalukuyan nilang inaabot ang 27 Megabits per second (Mbps) at 37% coverage kasabay ng technical audit ng pamahalaan sa Enero 2021.
Nabatid na umangat ang shares ng DITO habang bumagsak naman sa Smart at Globe kasunod ng pahayag ng Pangulo.