Pamahalaan, bibili ng mas murang life-saving machines para sa mga pasyenteng may COVID-19

50
PHOTO COURTESY: EUROPEAN JOURNAL OF INTERNAL MEDICINE

Nakatakdang bumili ang gobyerno ng Pilipinas ng 200,000 units ng High-Flow Nasal Cannula (HFNC) Machine.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabisa ang mga HFNC kumpara sa ventilator para sa COVID-19.

Aniya, mapapabuti nito ang oxygenation ng mga COVID-19 patient at mas mura din kumpara sa ventilator.

Napatunayan din aniya worldwide na life-saving machines ang mga ito.

Giit ni Roque, batid ng gobyerno kung paano maisalba ang buhay ng mga nagkakasakit.

Facebook Comments