Ikatlong telco, target na matapos ang konstruksyon sa mahigit 1,300 cell tower sa Oktubre

Target ng Telecommunity Corp. na matapos ang konstruksyon sa mahigit 1,300 cell tower sa Oktubre.

Ito ay matapos maaprubahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang apila ng telecommunications firm o ng telephone company na palawigin ang technical audit na nauna nang sinabi noon na hindi ito makakaapekto ang naturang serbisyo.

Matatandaan na sa unang taon ng operasyon, nakasaad sa Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na dito na dapat matugunan ang target coverage na 37% ng populasyon ng bansa na may bilis na 27 megabits kada segundo.


Dahil dito, iniurong na ng NTC ang Dito’s technical audit sa Enero 7 sa susunod na taon, mula sa mas maagang schedule na Hulyo 8.

Nabatid na ang naglaan ang Dito Telecommunity Corp ng 150 bilyon para masimulan ang capital expenditure bilang third telecommunications player ng bansa.

Facebook Comments