Ikatlong tranche ng Social Amelioration Program (SAP), itinutulak ng isang kongresista

Iminungkahi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang pagkakaroon ng third tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Salceda, itutulak niya ang pagkakaroon ng SAP 3 sa ilalim ng ikatlong stimulus package na ipapasok naman sa 2021 national budget.

Iginiit ni Salceda na kung walang ikatlong bugso ng SAP ay posibleng lumobo sa 4.2 million households ang magugutom at mawawalan ng hanapbuhay.


Mahigpit din ang pangangailangan na magkaroon ng ikatlong SAP dahil sa inaasahang paglobo ng bilang ng mga mawawalan ng trabaho sa katapusan ng Hulyo na posibleng umabot ng 3.6 million o katumbas ng 1.5 million households.

Sa pagtaya pa ng mambabatas, bago matapos ang third quarter ng taon o sa katapusan ng Setyembre ay madaragdagan pa ang mga manggagawa na walang trabaho ng 1.7 million workers o katumbas ng 0.9 million households.

Bukas naman aniya ang Ehekutibo sa panukalang ikatlong economic stimulus na aabot sa P280 billion na target para ipatupad sa huling bahagi ng taon.

Samantala, i-a-adopt naman ng Kamara ang counterpart sa Senado ng Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines (ARISE) na P140 billion na siya namang ikalawang stimulus package.

Facebook Comments