Ikatlong vaccine dose, hindi pa inirerekomenda – VEP

Hindi pa inirerekomenda ng health experts ang pagkakaroon ng ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.

Ito ay sabila ng banta ng Delta at iba pang variants of concern ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay infectious diseases specialist at Vaccine Expert Panel member, Dr. Rontgene Solante, ang lahat ng variants of concern ng COVID-19 ay hindi pa naman nakakaapekto ng malaki sa bisa ng first generaltion ng bakuna.


Dapat gamitin pa rin ang mga bakuna sa mga tao hanggang sa mapatunayang nababawasan talaga ang bisa nito sa variants of concern.

May mga ulat ng “breakthrough infections” sa ibang mga bansa, pero hindi pa napatunayan na dulot ito ng variant of concern.

Sa ibang mga bansa, nagsasagawa na ng clinical trials para malaman kung kailangan ng booster o reformulation para sa first generation ng bakuna.

Habang hinihintay ang resulta mula sa ibang bansa, hinikayat ni Solante ang publiko na magpabakuna.

Bagamat walang “vaccine overdose”, hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang pagkuha ng bakuna mula sa iba’t ibang platforms.

Facebook Comments