IKINAALARMA | Subpoena power ng CIDG, magbibigay umano ng go signal para sa mas marami pang kaso ng EJK – Gabriela

Manila, Philippines – Naalarma ang Gabriela sa Kamara sa pagbibigay ng subpoena power sa PNP-CIDG.

Ayon kina Gabriela Representative Emmi De Jesus at Arlene Brosas, magsisilbi itong “green light” o go signal para sa mas marami pang kaso ng extrajudicial killings, iligal na pag-aresto, at iligal na pagsasampa ng kaso lalo na sa mga kalaban at kritiko ng gobyerno.

Nababahala ang mga kongresista dahil ang nasabing batas ay magiging daan lamang din sa pagtugis sa mga aktibista at human rights advocate at paglala ng political harassment.


Nanindigan ang Gabriela na hindi dapat binibigyan ng quasi-judicial o prosecutorial investigative powers dahil may bahid ang PNP ng korapsyon, paglabag sa karapatang tao, at ilang iregularidad.

Wala din anilang kredibilidad ang PNP sa pag-iisyu ng subpoena dahil maaari itong mauwi sa pangaabuso.

Facebook Comments