Manila, Philippines – Lubos na ikinagalak ng mga manggagawa matapos na sertipikahan na ni Pangulong Duterte na urgent ang anti-contractualization bill o ang SB1826 na ang layon ay tuldukan ang contractualization at palakasin security of tenure ng sektor ng mga kawani.
Ayon kay Atty. Sonny Matula, pinuno ng grupong Nagkaisa o Nagkaisa labor coalition, labis nilang ikinagagalak ang hakbang ng Pangulo lalo na at senyal ito ng nalalapit na tagumpay sa isinusulong na kapakanan ng mga manggagawa.
Paliwanag ni Matula, kailangan pa rin aniyang bantayan ang mga senador upang makatiyak na hindi tutulugan ang naturang panukalang batas.
Facebook Comments