IKINALUNGKOT | Binubuong MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, hindi dapat maapektuhan ng isyu kay Ambassador Villa

Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Senator Win Gatchalian ang patuloy na aksyon ng Kuwaiti government laban kay Ambassador Renato Villa kahit humingi na ng paumanhin ang ating pamahalaan.

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Gatchalian na maiseselyo ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ayon kay Gatchalian, ito ay para matiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait.


Diin ni Gatchalian, isang paraan ang pagkakaroon ng kasunduan para hindi na maulit ang kaso ng pag-abuso sa mga manggagawang Pilipino sa Kuwait tulad ng sinapit ng Pinay na si Joana Demafelis na natagpuang patay sa loob ng freezer.

Paliwanag pa ni Gatchalian, kung may klarong agreement ay maiiwasan din ang mga hindi pagkakaunaawan sa pagitan ng ating embahada at Kuwaiti government ukol sa pagliligtas ng mga OFWs na nasa alanganing sitwasyon.

Facebook Comments