IKINASA | Balasahan, isinagawa sa NCRPO

32

Manila, Philippines – Ikinasa ang balasahan sa hanay ng National Capital Region Police Office.

Batay sa kautusan na inilabas ni NCRPO Director, Chief Supt Guillermo Eleazar, epektibo mula ngayon araw, manunungkulan na bilang Eastern Police District Director si Chief Supt Alfredo Corpus na dating nakatalaga bilang Deputy Director ng Directorate for Intelligence sa National Headquarters.

Si Corpus ay papalit kay Chief Supt Reynaldo Biay na hahalili naman kay Corpus bilang bilang Deputy Director ng Directorate for Intelligence sa National Headquarters.
Habang may bago na ring acting director ang Northern Police District sa katauhan ni Chief Supt Gregorio Lim ng Deputy Regional Director for Operations at nanunungkulan na bilang Northern Police District Director.

Hahalili naman kay Lim bilang Deputy Regional Director for Operations ang dating Northern Police District Dir Chief Supt Amado Clifton Empiso.

Ang kautusan ay inilabas ni Chief Supt arnel Escobal acting Regional Chief Directorial Staff ng NCRPO na inaprubahan naman ni General Eleazar.

Facebook Comments