Manila, Philippines – Nabuhayan ng loob ang DILG sa pagpawi ng Senado sa lahat ng espekulasyon na patay na o naghihingalo ang usapin ng pederalismo.
Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, welcome sa DILG ang pahayag ni Senator Sotto na bukas ang Senado sa mungkahing paglilipat sa federal government at hindi kailanman inabandona ang usaping ito.
Aniya, malaking bagay ang paglilinaw ng mataas na kapulungan sa kabila na maraming senador ang tumututol dito.
Sinabi ni Malaya na handa silang makipagtulungan sa Senado sa pag balangkas ng isang bagong charter ng pederal lalo pa at nakatutok na ang Pangulo sa kanyang adbokasiya para sa paglipat sa pederalismo.
Katunayan pinangungunahan nito ang kampanya para sa pederalismo at sasama na sa mga federalism roadshow na isasagawa ng DILG.